Thursday, October 22, 2009

Projects

hay nakakainis ang dami naman naming projects! nakakaloka kaya. sabay sabay pa. hindi man lang naisip ng mga teachers ko yung nararamdaman ko! haha! *drama.* para sakin mga projects. paraan yan para medyo umayos ang grade example: pag di ka mahilig gumawa ng mga homeworks, katulad ko. haha! *wink!* pero syempre naman dapat bonggahan mo yung mga churva churva designs ng project para mas mataas ang grade. most of the time palagi ako my problema sa mga projects gaya nlng ng.

katamadan - uhmm.. eto madalas toh tumatama sakin. parati nalang bukas na lang bukas nalang. hanggang sa dumating na ang bukas di ko parin nagagawa yung project ko. lagot! minsan iisipin mo. sana may extension sana may extension pa tng project na tohh! pero ang ending nyan last minute ka na gagawa ng project mo. nagmamadali at natataranta.

katangahan - ah. medyo iwas ako dito! haha! di naman natin matawag na katangahan pero parang lang kasi ito un mga tao na hindi masyado mahilig makinig sa instructions na binibigay ng teacher tapos tanung ng tanung ng mga instructions s kklase through text. nakakatamad din kaya mag text at mag explain ng project. tapos pag di pa na gets nung nag tatanung yung sinasabi mo. siya pa yung may ganang magalit sayo. di bah? nakakainis din sila noh!

gastador - eto naman yung sitawasyon na alam mo na lahat. alam mo un instructions pati materials! kaso nga lang .. wala kang perang pambili. pwede ka naman humingi sa parents mo. o di kaya sa lola mo pero ang problema pa dun na hingi mo na yung pera mo at wala ka nang napa tago para sa projects mo. napang MOA mo na pala! *arawch!* tapos kailangan mo pa mag drama o mag explain ng mahabang mahabang kwento kung bakit naubos yung pera mo pero sa huli magagawa mo din naman yun project mo.

tamabak ng projects. sana matapos ko toh ng ma ayus! haha! so, ayun lang muna ma ishshare ko ngayong araw na toh.


Saturday, October 17, 2009

Judgemental.

hay ayun panibagong blogger account. maarte kasi. ha ha! naisipan ko na naman gumawa nito eh. na miss ko lang. para kasing wala ng kwenta un luma. wala nabisita tapos ang boring pa. madalas ako mag bura ng mga posts ko dun. ewan ko ba kung bakit. nahihiya siguro ako sa nararamdaman ko. pero ito ako ngayon, nag ttype na naman. balak ko mag tagalog ng magtagalog dito eh, mukhang masaya. ha ha! sana naman tumagal tong account na ito kahit isang taon lang? narealize ko na hindi naman importante ang panlabas na anyo mas importante ang nilalaman nito. naka basa ako ng mga blog na hindi masyado malakas ang dating. yun bang simple lang pero napaka halaga ng mga nilalaman. madaming sinasabi at magaling mag kwento. parang sa tao lang din yan mga friends. ayoko talaga sa sarili ko yung pagiging mapanghusga ko sa tao pero alam ko naman na di natin kailangan husgahan ang tao sa panlabas na anyo, kahit na may mga di kanais nais na parte ng mukha o katawan man niya dapat parin natin respetuhin ito dahil hindi pa natin ito lubos na kilala. *share ko lang ah. kami nung kaibigan ko mahilig kami tumawa tawa sa mga panlabas ng anyo ng tao dahil di naman natin maiiwasan yon. pero may mga oras na napapa isip ako. nakita ko na ba ang sarili ko sa salamin? perpekto ba ko para pagtawanan sila? hindi naman di ba. kaya sana pag magmamahal tayo ng tao hindi sa panlabas na anyo. naniniwala ka ba sa love-at-fist-sight? ako hindi dahil ba sa maganda si ganito si ganun si ayun mahal mo na siya? hindi naman pwede yon di ba? kaya sana matuto tayo tumingin sa paligid natin kung may nasasaktan tayo sa mga sinasabi at ginagawa natin bago gumawa o magsalita sa isang tao. tao din ako nagkakamali. inaamin kong nagawa ko din itong mga ito. pero hindi ako nangangako na hindi ko na gagawin iyon dahil tao lang nga ako! ha ha! *bow.