hay ayun panibagong blogger account. maarte kasi. ha ha! naisipan ko na naman gumawa nito eh. na miss ko lang. para kasing wala ng kwenta un luma. wala nabisita tapos ang boring pa. madalas ako mag bura ng mga posts ko dun. ewan ko ba kung bakit. nahihiya siguro ako sa nararamdaman ko. pero ito ako ngayon, nag ttype na naman. balak ko mag tagalog ng magtagalog dito eh, mukhang masaya. ha ha! sana naman tumagal tong account na ito kahit isang taon lang? narealize ko na hindi naman importante ang panlabas na anyo mas importante ang nilalaman nito. naka basa ako ng mga blog na hindi masyado malakas ang dating. yun bang simple lang pero napaka halaga ng mga nilalaman. madaming sinasabi at magaling mag kwento. parang sa tao lang din yan mga friends. ayoko talaga sa sarili ko yung pagiging mapanghusga ko sa tao pero alam ko naman na di natin kailangan husgahan ang tao sa panlabas na anyo, kahit na may mga di kanais nais na parte ng mukha o katawan man niya dapat parin natin respetuhin ito dahil hindi pa natin ito lubos na kilala. *share ko lang ah. kami nung kaibigan ko mahilig kami tumawa tawa sa mga panlabas ng anyo ng tao dahil di naman natin maiiwasan yon. pero may mga oras na napapa isip ako. nakita ko na ba ang sarili ko sa salamin? perpekto ba ko para pagtawanan sila? hindi naman di ba. kaya sana pag magmamahal tayo ng tao hindi sa panlabas na anyo. naniniwala ka ba sa love-at-fist-sight? ako hindi dahil ba sa maganda si ganito si ganun si ayun mahal mo na siya? hindi naman pwede yon di ba? kaya sana matuto tayo tumingin sa paligid natin kung may nasasaktan tayo sa mga sinasabi at ginagawa natin bago gumawa o magsalita sa isang tao. tao din ako nagkakamali. inaamin kong nagawa ko din itong mga ito. pero hindi ako nangangako na hindi ko na gagawin iyon dahil tao lang nga ako! ha ha! *bow.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment